Mga healthcare workers, kailangan din ng alaga
@Editorial | June 29, 2021
Magandang balita na nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon, inaasahang tuluyan nang maipamamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.
Kaugnay nito, mayroong tig-P5, 000 monthly allowance para sa mahigit 300,000 health workers sa private at public hospitals na nangangalaga ng COVID-19 patients.
Ang nasabing monthly allowance ay kinabibilangan ng mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.
Tiniyak din na makakayanan ng DOH na maipamahagi ang nasabing halaga hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Masasabing matagal din itong hinintay ng mga frontliners. Sabihin man nating hindi matutumbasan ng anumang halaga ang ginagawa nilang paglilingkod sa gitna ng pandemya, sana naman ay palagi tayong magkaroon ng paraan para maipakita at maipadama na sila ay mga bayani.
Huwag nating hintaying mapagod muna sila at tumigil bago natin maiparating ang pasasalamat.



Comments