top of page

Mga guro at mag-aaral, magiging mas handa na sa pasukan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 15, 2020



Iniurong na ng Department of Education (DepEd) sa Oktubre 5, 2020 ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.


Kaugnay nito, ang nalalabing panahon na wala pang klase ay gagamitin umano para paghandaan pa ang logistical limitations lalo na sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Bagama’t ang mga paaralan sa lugar na wala na sa MECQ ay inaatasan namang ituloy na ang mga orientations, dry runs at paghahatid ng learning resources para matiyak na handa na sila pagdating ng Oktubre 5.


‘Ika nga, kung hindi talaga kaya ay huwag nang pilitin.


Una nang napansin na hindi pa talaga handa ang kagawaran, mga guro at estudyante sa balik-eskuwela sa Agosto 24. May mga puna na maituturing umanong ‘wishful thinking’ ang pagpupumilit na ituloy ang pagbubukas ng pasukan nang hindi naman plantsado ang mga kakailanganin para sa blended learning. Kung saan, may panawagan din na ituon na lang sa modules sa halip na ipilit ang online learning. Lalo’t hindi naman lahat ay may kakayahang magkaroon ng gadgets at maayos na internet.


Nagpapasalamat tayo sa ating mga guro na nagsisikap na mag-adjust sa sitwasyon. Nakikita natin kung paano sila nagsisikap para maitawid ang edukasyon sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya. Nararapat lang naman na bigyan din natin sila ng sapat na panahon para maging mas handa.


Sa pamamagitan din ng mahigit isang buwan pang paghahanda, maaaring mas madagdagan pa o mabago ang mga sistema ng edukasyon na higit na makatutugon sa pangangailangan ng kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page