top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga gumagamit ng online banking, magdoble-ingat

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
1 min read

@Editorial | November 27, 2021


Marami nang Pinoy ang gumagamit ng online banking, lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Malaking tulong dahil napapabilis ang mga transaksiyon tulad ng pagbabayad ng bills o pagta-transfer ng pera.


Ang problema, naging target na rin ito ng mga kawatan. Nakagagawa na rin sila ng paraan kung paano makakapagnakaw online.


Batay sa ulat, kadalasan umanong kinukuha ng mga kawatan ay ang personal na impormasyon ng biktima tulad ng pangalan, araw ng kapanganakan at password.


Gagawan nila ng paraan para makuha ang pera sa account ng biktima saka ita-transfer sa mga mules o account na stopover para mailipat naman sa ibang accounts.


May mga kawatan din na talagang kino-contact pa ang biktima tulad ng personal na pagtawag, pag-email o pagpapadala ng mensahe sa text, ipipilit na makakuha ng impormasyon na kanilang magagamit para ma-break ang security protocol ng bangko.


Kaya mainam na tawagan muna ang bangko at itanong kung may ganun talagang ginagawang pag-uusisa.


Sa panahon ngayon, talagang dumarami na ang mga kawatan. Lahat ng puwedeng istayl ay ginagawa na para makapanloko, kaya palaging magdoble-ingat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page