top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga estudyante, mag-ingat at 'wag pasaway vs. COVID

BULGAR
Aug 20, 2022
1 min read

@Editorial | August 20, 2022


All-systems go na ang Department of Education (DepEd) para sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.


Nasa 27 milyong estudyante na umano ang nag-enroll para sa school year 2022-2023 o 96% ng target ng DepEd na 28.6 million enrollees.


Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa mismong araw ng pasukan.


Umaasa tayo na magiging maayos at ligtas ang balik-eskwela. Batid natin natin kung gaano kasabik ang mga estudyante na makapasok na sa iskul at personal na makasama ang mga kaklase at titser.


Gayunman, dahil sa banta pa rin ng COVID-19, dapat na maging mas maingat. Kailangang magtulungan ang lahat para walang makalusot na virus sa iskul o kung mangyari man ay maging mabilis ang aksyon sa pagpigil na kumalat pa ito.


Panahon na para tayo naman ang kumontrol sa pandemya. Hindi na puwedeng matakot at maabala ang pamumuhay. Kung hindi tayo sasabay, hindi tayo makakausad.


Muli, paalala lalo na sa mga estudyante, mag-ingat at huwag pasaway, plis lang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page