top of page
Search
  • BULGAR

Mga epalitiko sa socmed, bantayan

@Editorial | October 19, 2021



Maingay at makulay na naman ang mundo ng pulitika dahil sa papalapit na halalan.


Kani-kanyang style ang mga kandidato kung paano makakapagpapansin sa mga botante.


Gamit na gamit na naman ang social media.


Kaugnay nito, nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na walang umiiral na batas sa kasalukuyan na naglilimita sa dalas ng paglabas ng advertisements ng mga kandidato sa iba’t ibang social media networks.


Pagdating umano sa social media ads ng mga kandidato ang tinitingnan lamang ay kung magkano ang ginugugol na halaga nila para sa mga ito.


Hindi katulad ng pagre-regulate na ginagawa pagdating sa broadcast advertising na mayroong itinatakdang limitasyon sa dami o tagal ng minutong dapat ilaan sa paglalabas ng political advertisements.


Ang tanging paraan para magawa ang parehong paghihigpit ay ang pagpapasa ng batas sa Kongreso.


Sa ngayon, umaasa tayong mababantayan ng poll body ang gastos ng mga kandidato sa social media ads sa oras na magsimula ang campaign period sa Pebrero 8 para sa national candidates, at sa Marso 25 naman para sa mga local candidates.


Bilang matalinong netizens at botante, sana ay expert na rin tayo sa pagkilatis sa mga epalitiko, bolero at papogi lang ang alam.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page