top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga empleyadong ayaw magpabakuna, mapapagastos sa COVID test

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2021
1 min read

@Editorial | November 13, 2021



Patuloy ang pag-arangkada ng pagbabakuna sa bansa.


Kasabay nito, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula Disyembre 1, 2021, obligado nang magpabakuna kontra-COVID-19 ang mga empleyadong nagsasagawa ng on-site work.


Saklaw ng kautusan ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.


Bagama’t nilinaw naman na gagawin ito sa mga lugar na may sapat nang suplay ng vaccine.


Para sa mga hindi pa bakunado, kailangan ang RT-PCR o antigen tests, na sariling gastos.


Samantala, inaatasan din ang mga nasa public transportation services gaya ng road, rail, maritime at aviation sectors na obligahin ang mga manggagawa na magpabakuna na para magtuluy-tuloy ang kanilang operasyon.


Kaya sa mga nag-aalinlangan pa rin sa bakuna, mukhang kailangang mag-ipon ng malaki-laking budget para magpa-COVID test at para makapagtrabaho.


Kaugnay nito, kapansin-pansing dumarami na rin ang gustong magpabakuna at maging sa mga kabataan.


Ang pakiusap lang sana sa mga bakunado, ‘wag magpakampante, palagi pa rin mag-ingat at alagaan ang sarili.


Magandang bagay na unti-unti na tayong nabubuhayan ng loob. Bumabalik na ang pag-asa at mga pangarap sa buhay na pansamantalang pinigilan ng pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page