top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga drayber, yari na naman sa non-stop oil price hike

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2021
1 min read

@Editorial | October 26, 2021



Tumaas na naman ang presyo ng petrolyo, at hindi lang ilang sentimo ang idinagdag kundi mahigit piso.


Ito na ang ika-siyam na sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike at yari na naman ang mga drayber at iba pang apektado.


Kaugnay nito, magbibigay umano ang pamahalaan ng P1 bilyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itulong sa mga tsuper sa harap ng pagsirit ng presyo ng petrolyo.


Ang pondo ay nakalaan bilang cash grants sa nasa 178,000 drayber ng pampublikong sasakyan.


Ito ay ibibigay sa kanila hanggang sa katapusan ng taon, sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program ng LTFRB.


Ang nasabing pondo ay kukunin sa Fiscal Year 2021 Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng Support for Infrastructure Projects at Social Programs.


Gayunman, may mga tsuper na hindi pabor sa pagbibigay na fuel subsidy. Anila, kung P5, 000 lang ang ibibigay at isang beses lang silang makatatanggap, mabilis lang daw itong maubos. Mas gusto umano nila na taasan na lang ang pamasahe. Bagay na nauunawaan naman ng ibang komyuter, bagama’t meron ding hindi pabor.


Talagang magkakaugnay ang lahat pagdating sa usapin sa presyo ng mga produkto at serbisyo.


Kailangang maging mas madiskarte at matalino sa pagpapasya.


Sa ngayon, tiis-tiis muna, abangan ang magiging hakbang ng mga awtoridad at tama lang din na laging magbigay ng saloobin, lalo na’t tayo-tayo rin naman ang apektado sa anumang sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page