top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga drayber, pikit-mata na naman sa pagpapa-gas

BULGAR
Oct 12, 2022
1 min read

Updated: Oct 13, 2022

@Editorial | October 12, 2022


Bigtime ang taas-presyo sa kada litro ng diesel, dagdag-pasanin na naman sa mga drayber at asahan na naman ang domino effect.


Matapos ang ilang rollback, halos P7 ang umento sa kada litro ng diesel. Tila mababawi lang ang tinapyas dahil sa laki ng dagdag.


Halos wala rin umanong epekto ang dagdag-piso sa pasahe sa jeep. Kaya ang hiling ng mga tsuper sa gobyerno, magtuluy-tuloy ang pagkakaroon ng pinakakontretong programa o solusyon para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.


Batid naman natin na hindi lang mga drayber ang apektado ng oil price hike kundi maging ang iba pang mga sektor na gumagamit nito at siyempre pati ang mga ordinaryong mamamayan na nakararanas sa epekto ng presyuhan sa iba pang mga pangunahing bilihin at serbisyo.


Sa ngayon, tiis at tipid pa more. Galingan ang pagba-budget, maghanap ng iba pang mapagkakakitaan para hindi tuluyang malubog dahil sa hindi maawat na taas-presyo. Sana, todo-kayod din ang ating gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page