top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga drayber, operator at pasahero, huwag makalimot sa mga protocols

BULGAR
May 2, 2021
1 min read

@Editorial | May 02, 2021


Extended ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus, bagama’t mas pinaluwag naman ang operasyon sa ilang establisimyento.


Nadagdagan na rin ang mga tao sa lansangan, dahil balik-trabaho na ang iba.


Kaugnay nito, umaabot na sa halos 100,000 public utility vehicles (PUVs) ang nakakabiyahe na sa Metro Manila, sa kabila ng mahigpit pa ring health protocols dahil sa COVID-19.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), katumbas na ng 80 percent ang naturang bilang at inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na linggo.


Gayunman, calculated move umano ang pagbabalik sa normal ng mga biyahe, upang hindi ito pagmulan ng matinding hawaan at makatulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya.


Maging sa hanay ng mga city at provincial buses ay patuloy ding tumataas ang bilang.


Sa ngayon, may 195 provisional bus routes na ang pinahihintulutan ng LTFRB.


Ang palagi namang paalala sa mga drayber, operator at mga pasahero, palaging sundin ang mga protocols, huwag pasaway.


Kung may mga pagkakataong nalalabag na ang mga panuntunan, walang masama na paalalahanan ang isa’t isa, sa maayos na paraan.


Ang pagiging pasaway ng iilan ay puwedeng maglagay sa kapahamakan sa nakararami.


Huwag nating sayangin ang pagkakataon na medyo lumuwag ang lockdown at nakabalik tayo sa paghahanapbuhay.


Sa tuwing lalabas tayo ng bahay, lagi nating alalahanin ang banta ng virus na puwede nating maiuwi sa ating pamilya, kaya dagdag-ingat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page