top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga dayuhang turista, ‘wag sanang pasaway, plis lang

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2021
1 min read

@Editorial | November 26, 2021


Naka-standby na ang Bureau of Immigration (BI) sakaling magdesisyon ang pamahalaan na buksan ang Pilipinas para sa mga dayuhang turista.


Bagama’t, wala pang eksaktong petsa kung kailan muling bubuksan ang bansa para sa mga dayuhan, mas mainam nang handa.


Kailangang sapat ang manpower at facilities para sa mga protocols na kakailanganing ipatupad laban pa rin sa banta ng COVID-19.


Nauna nang inanunsiyo ng BI na hindi maaaring maghain ng vacation leave ang kanilang frontline personnel sa kasagsagan ng holiday season.


May 99 pang bagong immigration officers na kinuha para maitalaga sa iba’t ibang BI port at office sa bansa.


Masasabing magandang balita sakaling magbukas na ang bansa para sa mga dayuhang turista, dahil tuluyan nang sisigla ang ekonomiya.


Kaakibat nito, dapat pa ring maging istrikto sa mga protocols. Bawal ang shortcut, bawal ang nadadaan sa usapan, kumbaga bawal ang pasaway.


Sikapin nating maging tulong ang pagpasok ng mga turista at hindi maging dagdag-problema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page