top of page

Mga dapat tandaan kung nakaranas ng pamamahiya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 26, 2020




Naranasan mo na ba sa isang sitwasyon na ininsulto ka ng isang tao sa harap ng iba na sa pakiramdam mo ay parang dinaganan ka ng isang bloke ng yelo sa kahihiyan? Na para bang iniisip mo kung ano ang kasalanan mo at pinagsalitaan ka nang ganoon at gusto mong tumakbo at magtago na lamang ng mga oras na iyon dahil hindi mo inaasahan na pagsalitaan ka ng hindi maganda?


Lahat naman tayo ay dumaranas ng ganyang sitwasyon, pero may paraan para maibsan sa kalooban natin ang pagkadismaya dahil sa insultong ginawa ng iba.


Sa isang banda, may tatlong basikong uri ng pagkadismaya na nararanasan natin. Hindi nakumpletong inaasahan, nabigong intensiyon at hindi nasabing kalooban.


Malaman lang kung saan nauuri ang iyong pagkadismaya at mabatid kung paano lulutasin ay mainam nang mabigyan ito ng solusyon.


BAGAY NA KAILANGAN. Alisto ka dapat, may self control, nagpapasensiya, sinasanay ang luwag ng paghinga at magpakalma.


1. Dapat ay mabatid nating nasa sitwasyon tayong alam natin kung ano ito. Ang pangkaraniwang pagkadismaya ng isa sa dalawang tao ay tipikal na hindi inaasahan o nakadidismaya kapag ating naranasan. Ito ay normal na bahagi ng buhay na hindi natin napaglalabanan nang ganoon lamang kadali. Ito ay sadya talagang nangyayari.


2. Maging handa na huminto muna at huminga nang malalim bago gumawa o magsalita ng anupaman, upang mapagpasyahan kung anong klase ng pagkadismaya ito at nang mapagtuunan ng pansin ang pagresolba rito.


3. Kung nainsulto ka ng isang taong minamahal mo ay kailangan mong manatili sa naturang relasyon at hindi masira ang inyong samahan, pero nanginginig ang katawan mo sa pagkapahiya, kailangan mong sabihin sa kanila na dapat mong pag-isipang mabuti ang nangyari at babawi ka rin.

Pansamantala kang lalayo sa kanila para hindi lumala ang sitwasyon. At kapag tiyak ka na sa sarili na matatag na, sabihin sa kanila kung bakit mo nagawang tumalikod at tanungin sila kung ano ba ang kailangan mong gawin upang hindi ka nila insultuhin, kahit alam mong sila pa itong gumawa ng kamalian sa’yo. Ang gusto mo lang kasi ay magpatuloy ang pag-uusap,magkabati kayo at lutasin ang naturang isyu. Lahat tayo ay nangangailangan ng sinuman na makikinig sa atin lalo na kung tayo ay dismayado.


4. Kung naiimbiyerna ka sa sinabi ng isang kaibigan habang magkasabay kayo sa isang tanghalian o kaya naman ay may itinatanong ka lamang sa isang cashier sa bangko at marami ang nakarinig sa pagtataray ng naturang babae, ang unang bagay na dapat tandaan ay hindi ang taong iyong kausap ang siyang talagang problema kundi ang bagay na kanyang ginagawa ang siya mong inirereklamo kung kaya hindi mo kailangang makipagsigawan.


5. Dito masusukat ang galing mo sa pagpigil ng sarili, paghinga ng malalim at kalmadong ugali. Sikaping maging kalmado ka sa pagtatanong at makuha ang tamang mga kasagutan at saka ka gumawa ng pinakaposibleng desisyon. Madalas, maraming pagkakataon na dapat munang makita ang lahat ng tamang bagay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page