Mga Cong., atras gisahin ang mga taga-da, takot mawalan ng pork barrel
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 25, 2023
CORRUPTION HINDI NILABANAN NI EX-P-DUTERTE, SA HALIP KINUNSINTE PA! -- Inanunsyo ng Office of the Ombudsman na may probable cause para sampahan ng kasong graft ang mga appointee ni ex-P-Duterte na sina former Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM) head Lloyd Christopher Lao, Overall Deputy Ombudsman Warren Leong, iba pang PS-DBM officials at mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Inc., kaugnay sa multi-billion peso scam sa pagbili ng mga overprice na face mask, face shield at iba pang medical supplies sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong year 2020.
Patunay ang desisyon na ‘yan ng Ombudsman na hindi nilabanan ni ex-P-Duterte ang corruption noong siya pa ang presidente, at sa halip ay kinunsinte pa dahil kung inyong matatandaan, ay mismong ang ex-president pa ang nag-aabogado dati sa mga sangkot sa PS-DBM-Pharmally scam, na kesyo mabubuting tao raw sina Lao, Leong at mga taga-Pharmally, period!
◘◘◘
IBANG CONG. TAKOT GISAHIN ANG MGA TAGA-DA TUNGKOL SA TAAS-PRESYO NG BIGAS KASI BAKA TANGGALAN SILA NI P-BBM NG PORK BARREL -- Sa hearing sa Kongreso ay tatlong kongresista lang, sina Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, Northern Samar Rep. Paul Daza at Basilan Rep. Mujiv Hataan ang nagmarka sa isipan ng publiko na gumisa sa mga opisyal ng Dept. of Agriculture (DA) patungkol sa mataas na presyo ng bigas, at ang ibang kongresista na nasa hearing ay mga “nganga” lang.
Marahil, kaya “nganga” lang ang ilang kongresista at hindi magawang gisahin ang mga tauhan ni Pres. Bongbong Marcos sa DA, ay sa takot na patanggalan sila ni P-BBM ng pork barrel, boom!
◘◘◘
HUBARAN NG MASKARA, SINO ANG TRAYDOR NA EX-PRESIDENT? -- Parehong itinanggi ng kampo nina former Presidents Erap Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo na nangako sila sa China na tatanggalin sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre. Tiyak na hindi naman ang yumaong ex-Pres. Noynoy Aquino kasi siya ang nagsampa ng kaso laban sa China.
Kung hindi si Erap, hindi si GMA, at lalong hindi si PNoy, eh sinong ex-president ang nagtraydor sa Pilipinas na nag-promise sa China na ipapatanggal ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal?
Malalaman ‘yan mga Kababayan, kung pagbibigyan ng liderato ng Kongreso ang hiling ni ACT Teacher Rep. France Castro na imbestigahan ng House of Representatives ang tungkol sa isyung ito para mahubaran na ng maskara kung sinong ex-president ang nagtraydor sa ‘Pinas, abangan!
◘◘◘
DAPAT IPATANGGAL NI DIOKNO CONFI AT PORK BARREL FUNDS NG MGA TRAPO AT HINDI ANG FREE EDUCATION NG MGA ISKOLAR -- Nais ni Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF) na tanggalin na ng Marcos admin ang free education sa mga iskolar.
Ano bang utak meron itong si Diokno, kasi imbes ang ipatanggal ay confidential at pork barrel funds ng mga trapo (traditional politician), eh, ang napagdidiskitahang ipatanggal ay ang free education, pwe!





Comments