top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga center for mental health, malaking tulong ngayong pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2022
1 min read

@Editorial | January 20, 2022



Sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19, ipinapanawagan din ang mas malawak na pagtugon sa kalusugan ng kaisipan.


Isang mambabatas ang humirit sa PhilHealth ng komprehensibong mental health package.


Ipinasasama sa package ang konsultasyon at outpatient services para sa mental and behavioral conditions ng mga miyembro nito.


Kasabay nito, ang pag-apela sa Department of Health na gawing mas madali ang Medicine Access Program for Mental Health para sa mga gamot.


Gayundin ang pagpapatayo ng mga katulad ng National Center for Mental Health maging sa mga malalayong bahagi ng bansa.


Kailangang matutukan ang usaping ito para sa mga kababayan nating pinanghihinaan ng loob dahil sa mga epekto ng pandemya.


Dapat makaisip ng mga programa para matugunan ang kanilang mga takot at mga alalahanin.


Kailangang maibalik ang sigla at pag-asa sa bawat isa, sa kabila ng mga nangyayari ngayon.


Maipaunawa sana sa kanila na hindi sa pandemya natatapos ang lahat. Puwedeng-puwedeng lumaban at bumawi.


Masalimuot man ang sitwasyon sa kasalukuyan, ‘ika nga, habang may buhay, may pag-asa. Bawat araw na darating, gamitin nating bagong simula, bagong pagkakataon.


Puwedeng mapagod at magpahinga pero, huwag susuko.


Huwag nating hayaang tuluyang nakawin ng COVID ang ating buhay, ang magagandang karanasan para sa ating mga anak. Laban lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page