top of page

Mga botante, nabudol daw… SEN. BAM, ‘DI ORIG NA AUTHOR NG FREE COLLEGE EDUCATION

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 17, 2025



Photo: Bam Aquino - IG



Maraming netizens naman ang nagsasabing ‘nabudol’ sila ni Bam Aquino, lalo’t napaniwala raw sila sa pinaka-battle cry nito last elections na ito nga ang “ama ng free college education,” o ‘yung “Free Higher Education for All Act, Senate Bill 1304.”


Biglang naglabasan ang mga research works na ginawa ng mga netizens at napabulaanang hindi totoo ang naging campaign slogan ng bagong halal na senador. Isa lang pala siya sa mga author ng nasabing bill na sinimulan sa Senado ni ngayo’y Finance Sec. Ralph Recto bilang main author.


Ang iba pang mga co-authors na naturang bill sa Senado ay sina Sonny Angara, Joel Villanueva, Loren Legarda, JV Ejercito, Cynthia Villar, Migz Zubiri, Dick Gordon, Kiko Pangilinan, Leila de Lima and Win Gatchalian.


May mga record pa ngang noon pang early 2000 ito nasimulan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago hanggang sa mga kongresista mula sa mga party list representatives.


Pero sa Senado nga ay naging main author nito si Sec. Recto na eventually ay in-sponsor ni Bam.

At kahit pa nga naging batas na ito nang pirmahan na ni dating Pres. Duterte in 2017 (R.A. 10931), nagkaroon ng malaking role sina Sen. Ping Lacson at Bong Go rito.


Ayon pa rin sa record, si Ping ang nagpursige na makahanap ng pondo para sa naturang batas mula sa mga natutulog na budget ng ibang agencies. Si Bong Go naman ang naging instrumental para hindi ito ma-veto ni Pangulong Duterte kaya ito pinirmahan at naging batas nga, kahit pa noon pang panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ito naipanukala ng hanay nina Sec. Recto.


Kaya sa mga naglalabasang socmed (social media) items proclaiming Bam Aquino bilang “ama ng free tertiary education sa bansa,” huwag naman daw pong solohin ito ng mga nagpu-push na supporters ni Bam.


Actually, I personally voted for Bam dahil sa pagkapital niya sa naturang advocacy niya. Pero ngayong nalaman natin ang tunay na istorya, isama rin naman sana natin ang iba pang mga lider na nagpakahirap din para sa naturang batas. 


At sana, si ngayo’y Senador Bam Aquino na mismo ang mag-initiate at mag-correct nito.


Talo nu'ng 2022 at 2025 elections…

PACQUIAO, NAUBOS ANG DAAN-DAANG MILYONES, BALIK-BOXING


Balitang matapos na mabigo sa eleksiyon si Manny Pacquiao, umuugong uli ang tsikang babalik daw ito sa boxing.


Nakakalokang balita dahil years ago pa nang magdeklara si Pacman ng kanyang pagre-retire sa professional boxing.


Pero nang dahil nga raw sa magkasunod na pagkatalo nito sa eleksiyon (2022 presidential elections at nitong 2025 senatorial bid) at halos pagkaubos ng daan-daang milyones na naipon nito, ang pagbabalik-boxing daw ang mabilis na mapagkukuhanan nito ng pera.


Mid-40s na si Pacman at ibang-iba na ang kondisyon ng kanyang pisikal at mental na kalagayan.


Marami tuloy ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa kanyang mga naipundar, mga negosyo at mga kaanak na tinulungan ding maging public servants.


At siyempre pa, ano na nga raw ba ang papel ni Jinkee Pacquiao ngayon sa status nila lalo’t nakilala nga ito ng madla bilang ‘very luxurious at mahilig sa mga milyones na gamit?’


Dahil sa kanser…

53-ANYOS NA INA NI MAYMAY, PUMANAW NA


MAY mga socmed (social media) friends tayong nakikidalamhati sa ilang mga pamilya ng celebrities natin na nawalan ng mga mahal sa buhay nitong nakaraang May 14 at 15.


Nandiyan si Maymay Entrata na namatayan ng ina dahil iginupo na ito sa naging laban sa kanser. Fifty-three years old lang ang nanay ni Maymay na si Mrs. Lorna Entrata.

Worried ang mga fans ni Maymay dahil alam daw nilang very close ito sa ina at isa nga ito sa mga rason kung bakit nagsisikap sa showbiz si Maymay.


Namatay din ang nakababatang kapatid ng bokalistang si Rico Blanco na si Rey “King” Blanco na 50 years old lang din at balitang nagkaroon din ng kanser.


Ang 24-Oras anchor namang si Emil Sumangil ay humingi rin ng dasal para sa pinsan niyang si Engr. Philipp “PJ” Santiago na isang mountaineer. Namatay ito mula sa isang expedition ng grupong kabilang sa mga umaakyat sa Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.


Ang amin pong pakikiramay sa mga naulila nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page