top of page
Search
  • BULGAR

Mga bebot na swak sa lalaking Scorpio

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Abril 22, 2024


Dear Maestro,


Isinilang ako noong November 10, 1996 at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging girlfriend. May nililigawan naman ako ngayon, at isinilang siya noong July 12, 2000, ang problema ay hindi ko alam kung bakit parang wala siyang pagtingin sa akin at ‘di niya rin ako gaanong pinapansin. 


Maestro, kung sakaling itutuloy ko ang panliligaw ko sa kanya, may pag-asa kaya ako o baka naman mabasted lang ako? Dapat ko na rin bang itigil ang panliligaw ko sa kanya? Sana mapayuhan n’yo ako para malaman ko rin kung compatible ba kaming dalawa.

Umaasa,

Clark ng San Vicente, Santa Maria, Bulacan

 


Dear Clark,


Compatible ang Scorpio na zodiac sign mo at Cancer naman ng nililigawan mo, dahil kapwa kayo nagtataglay ng water element, ngunit hindi tugma ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) sa birth date na 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ng babaeng nililigawan mo. Kaya tulad ng nasabi na, maaaring compatible lang kayo sa zodiac sign, ngunit sa diwa at katuturan ng mga numero ay hindi kayo tugma.Ang pinakamabuti mong magagawa ay magtapat ka sa kanya ng pag-ibig mo para na rin malaman mo ‘yung dahilan kung bakit wala siyang gusto o pagtingin sa iyo.


Ang mga dahilan niya ay puwede mo pang ayusin para magustuhan ka niya.

Halimbawa, hindi ka niya pinapansin dahil wala ka pang permanenteng trabaho o may dahil bisyo ka, halimbawa lang naman ‘yun, ngunit tiyak na magagawa mo pa rin naman na maghanap ng trabaho o tanggalin ang iyong bisyo para tuluyan siyang magkagusto sa iyo.


Subalit, kung hindi talaga kayang solusyunan ang mga dahilan niya kung bakit hindi ka niya gusto, halimbawa na lamang kung may iba na siyang minamahal, huwag mo na sayangin ang oras mo sa panliligaw sa kanya.


Marami pang babae riyan na isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio. Pero mas maganda kung ang birth date ay 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22 at 31.  


Sa madaling salita, ligawan mo ang mga babaeng ka-compatible mo sa Astrology o zodiac sign, gayundin sa Numerology o birth date para magka-girlfriend ka na at habambuhay na lumigaya. 


Samantala, ayon sa iyong Love Calendar sa taong kasalukuyan sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre magkaka-girlfriend ka na ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus. Kung saan, sa edad mong 29 pataas, mapapangasawa mo siya na magdudulot sa inyong ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.  


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page