top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga bebot na dapat ligawan o tropahin ng takot tumandang binata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 26, 2021



Dear Maestro,


May magandang trabaho naman ako ngayon dahil ako ay bookkeeper sa isang lending company at matagal na ako rito. Maganda na rin ang suweldo ko at malapit ko nang mabayaran ‘yung house and lot na kinuha ko at may second hand na akong sasakyan.


Mabait kasi ang amo ko at ako ang halos nakakaalam ng mga transaksiyon namin. Ang problema lang, nakakahiya mang aminin ay wala pa rin akong nagiging nobya hanggang ngayon, at sa edad kong 33, heto pa rin ako at nag-iisa. Hindi naman ako bakla o silahis dahil may mga nililigawan ako, pero hindi ko alam kung malas lang ba ako o hindi talaga nila ako nagugustuhan.


Kaya ngayon, parang nararamdaman kong malapit na akong tumandang binata at ayaw kong mangyari sa akin ‘yun. Pinag-aasawa na rin ako sa amin dahil marami na rin akong naitulong sa pamilya ko.


April 29, 1986 ang birthday ko, makapag-aasawa pa ba ako? Gayundin, sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible ko? At kung makapag-aasawa ako, kailan ito magaganap?

Umaasa,

James ng Prenza, Marilao, Bulacan


Dear James,


Talagang matatagalan kang makapag-asawa o baka nga hindi ka na makapag-asawa. Ito ay dahil weak o mahina kasi ang numerong 29 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) na iyong birth date.


Pero buti na lang, bukod sa weak number na 29 o 2, ikaw ay nagtataglay ng destiny number na 3 (4+29+1986=2019/ 20+15=38/ 3+8=11/ 1+1=2) kung saan bihira naman sa mga taong may destiny number na 3 ang hindi nakapag-aasawa dahil ang numerong 3 ay may ruling planet na Jupiter, kaya sa kabila ng kalungkutan at kabiguan sa pag-ibig, sa bandang huli ay habambuhay pa rin silang lumiligaya.


Ibig sabihin, kung hindi ka kikilos at gagawa ng paraan para makapag-asawa, tulad ng nasabi na, habang nananatili ang hina ng loob at takot sa mga babae, palaki pa nang palaki ang tendency o porsiyento na hindi ka makapag-asawa, lalo na kung ang birth date mong 2 ang mananaig o iiral kaysa sa destiny number mong 3.


Gayunman, upang mawala ang hina ng loob, pagiging torpe at mahiyain at nang makapag-asawa ka na rin, dapat palagi kang magsuot ng strong color, tulad ng pula para sa zodiac sign mong Taurus at destiny number mong 3, at puwede rin sa iyo ang itim at dilaw.


Pagkatapos nito, ligawan mo ang mga babaeng ka-compatible mo o makipagkaibigan ka sa kanilang mga isinilang sa zodiac sign na Scorpio, Virgo, Capricorn, Libra at kapwa mo Taurus, higit lalo silang may mga birth date na 6, 15, 24, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 8, 17, 26, 9, 18 at 27.


Sa ganyang paraan, sa susunod na taong 2022, sa edad mong 36 pataas, makapag-aasawa ka na at habambuhay na magiging maligaya, hatid ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page