Mga barangay sa Oriental Mindoro, binaha dahil sa walang tigil na ulan
- BULGAR

- Dec 28, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 28, 2021

Maraming lugar sa Oriental Mindoro ang lubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng amihan at shear line.
Binaha na ang 8 barangay sa bayan ng Naujan simula nitong Lunes nang umaga.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Joery Gelario, umapaw ang Tubig River kaya mabilis bumaha.
Ayon naman kay Mayor Reynaldo Marco ng bayan ng Baco, umabot na sa 16 ang barangay na binaha.
Abot hanggang dibdib na ang baha sa highway sa barangay Sta. Rosa kaya marami ang stranded patungo sa mga bayan ng San Teodoro at Puerto Galera habang lampas tao naman ang baha sa iba pang barangay kaya patuloy ang rescue operations.
Umabot na sa 300 residente ang nailikas at nasa 7,000 household na ang apektado ng pagbaha.





Comments