Mga bansang nananatiling COVID-free
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | July 6, 2020

Sa kabila ng pagkalat ng pandemya ng coronavirus sa buong mundo, may mga bansa pa rin na nananatiling walang naitalang kaso ng covid 19.
Ayon sa Johns Hopkins University, ito ang mga bansang walang record ng coronavirus.
1. North Korea. Enero pa lang ipinatupad ni NoKor Prime Minister Kim Jong-un, ang pag-shutdown ng kanilang borders sa China na may 95% ng economic transaction sa naturang bansa, gayundin sa iba pang mga bansa. Ayon kay PM Kim Jong-un,"shining success"dahil sa covid-free pa rin ang kanilang bansa.
2. Solomon Islands. Matapos ideklara ng WHO ang outbreak ng covid-19, agad nagdeklara ng State of Emergency (SOE) si Gov-Gen. Sir David Vunagi noong March 25. Ayon sa kanya, "Solomon Islands will only be safe if covid-19 does not enter Solomon Islands." Ang SOE ay extended hanggang 4 na buwan.
Isinara ang mga borders, sarado ang public places, may restrictions sa galaw ng vessels at aircraft nila, pati na rin ang kilos ng mga tao.
3. Vanuatu. Idineklara ang State of Emergency noong March 26. Isinara ang lahat ng airport at cruiseport, may travel ban sa mga isla, sarado lahat ng borders. Maraming resto at hotels ang boluntaryong nagsara, pero ang ibang resto na bukas ay may curfew. May hand washing stations na inilagay sa labas shops, banks at resto.
Ipinagbawal nila ang foreign workers, subalit tinatanggap ni ang supplies na bigay ng China, Australia at New Zealand pero inilalagay ito sa 3-day quarantine at disinfection. Ayon kay Russell Tamata, spokesman, "If the virus arrives, it would be a disaster."
4. Samoa. Nagdeklara si Prime Minister Tuilaepa Sailele Malielegaoi ng State of Emergency noong March 21. Isinara ang borders ng kanilang bayan sa buong mundo. Limitado ang galaw ng tao, travelers at flights. Banned ang public transport tulad ng bus at taxi. Sarado ang paaralan at ipinagbawal na rin ang church services. Marami pang mga bansa na sinasabing walang naitalang tinamaan ng coronavirus, tulad ng Kiribati, Federated States of Micronesia, Tonga, Marshal Islands, Palau, Tuvalu at Naura. Ang Turkmenistan na isa sa bansang covid 19, ay nakapagtala umano ng bagong kaso ng coronavirus.





Comments