Mga babala ng unggoy at beans
- BULGAR
- Oct 6, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 06, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lauro ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may alaga akong unggoy, tinali ko ito sa puno ng mangga.
Tuwing umaga lagi siyang nakaupo rito habang inaabangan ang pagkaing ibibigay ko sa kanya, naisipan kong bigyan siya ng beans dahil bago itong ani.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lauro
Sa iyo, Lauro,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may alaga kang unggoy, ay makakaranas ka ng kabiguan sa susunod na mga araw. Mabibigo ka sa binabalak mong gawin.
Ang palagi siyang nakaupo sa puno tuwing umaga habang inaabangan ang pagkaing ibibigay mo, ay nangangahulugang masasangkot ka sa gulo. Isipin mong mabuti ang mga nagawa mong pagkakamali upang maituwid mo ito. Sa ganyang paraan, makakaiwas ka sa gulo na darating sa buhay mo.
Samantala, ang naisipan mo siyang bigyan ng beans, ay halos pareho rin ang kahulugan.
Gulo ang ipinahihiwatig nito. Talasan mo ang iyong pakiramdam, at lumayo ka sa mga taong alam mong hindi karapat-dapat pagkatiwalaan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments