top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga artistang durugista, bad influence sa kabataan, out!

BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

@Editorial | October 4, 2022


Hindi pa rin matapos-tapos ang problema sa ilegal na droga.


Kaliwa't kanan ang mga nahuhuling tulak at adik, mula sa tambay, empleyado, bata, matanda at barya hanggang milyun-milyong halaga ng droga ang nasasabat.


Kabilang din sa mga nahuhuli ay mga kilalang personalidad tulad ng mga artista.


Kaugnay nito, hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga giant network sa bansa na isailalim muna sa drug test ang kanilang mga aktor o talent bago bigyan ng project.


Ito ang naging tugon ng PNP sa rekomendasyon sa Kongreso na isailalim muna sa drug test ang mga artista.


Sang-ayon tayo sa panukalang ito bilang ang mga artista ay madalas tularan ng mga kabataan. Kailangang maging magandang role model ang mga ito sa susunod na henerasyon.


Hindi lang sa mga artista, sa palagay natin ay dapat lahat ng empleyado ay maging subject din sa drug testing. Puwede ring isama ang drug test sa mga hinihinging requirements for employment na ginagawa naman na sa ibang kumpanya.


Ang laban sa ilegal na droga ay laban ng lahat dahil wala itong pinipiling wasakin.


Bantayan natin ang isa't isa at lalo na ang sarili. Huwag magpapadala sa tukso, 'wag papasok sa anumang ilegal na gawain.


Tandaan natin, palaging may ibang paraan, may solusyon at hindi dagdag-problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page