Mga aroganteng pulis sa checkpoint, ipinapa-report sa publiko
- BULGAR

- Jul 11, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2020

Hinihikayat ni Joint Task Force COVID Shield Commander Guillermo Eleazar na i-report ang mga “arrogant” na pulis sa mga quarantine checkpoints. Aniya, maaaring humarap sa kasong administratibo at criminal charges ang mga naturang pulis.
Saad ni Eleazar, “Administratively, puwede po ‘yang matanggal sa serbisyo depende kung masu-suspend iyan, at kung may criminal case na related sa kanyang violation, puwede pong makulong 'yan… Definitely hindi 'yan tino-tolerate.”
Dagdag pa niya, “More than ever, ang social media importante 'yan pero magtiwala tayo, hindi kinukunsinti ng PNP ang kalokohan ng sino man sa ating hanay.
"Nagche-check kami sa social media, sa media at ang ating police… Talagang hindi ito tino-tolerate.”





Comments