top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga anak, magiging susi sa pag-unlad ng pamilyang gustong magkasariling bahay at lupa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 5, 2020




KATANUNGAN

  1. Matagal na kaming nangangarap ng mister ko na magkaroon ng sariling house and lot dahil ngayon ay nakikitira lang kami sa matandang bahay ng mga biyenan ko at marami kami rito dahil dito rin nakatira ang mga kapatid na dalaga at binata ng mister ko.

  2. May pag-asa pa ba kaming magkaroon ng sariling lupa at bahay, kahit pangkaraniwang empleyado sa gobyerno ang mister ko at ako naman ay isang tindera sa palengke?

  3. Apat ang aming anak at nagsisipag-aral pa, kaya hirap kami sa buhay at hindi ko rin maisip kung paano namin magagawang magkaroon ng sariling lupa at bahay, gayung kapos na kapos kami sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Gayunman, patuloy kaming nagsisikap at nangangarap na darating din ang panahong magkakaroon kami ng sariling lupa at bahay at makakaahon din kami sa kahirapan.

  4. Maestro, turuan mo kami ng teknik o paraan upang matupad ang simpleng pangarap na ito ng aming pamilya.

KASAGUTAN

  1. Sa tulong ng inyong mga anak, makakaahon kayo sa kahirapan, hanggang sa umunlad nang umunlad ang inyong kabuhayan at makabili ng sariling lupa at bahay.

  2. Ganu’n ang posibleng maganap at ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Guhit ng mga Anak, partikular ang anak na panganay (1-c arrow a.), ikatlo (3-c arrow c.) at bunso (Drawing A. at B. at 4-c arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Kung susuriing mabuti, ang tatlong nasabing mga anak ang magiging daan upang makaahon kayo sa kahirapan hanggang sa magkaroon kayo ng sariling lupa at bahay sa susunod na mga taon. Ang tanging hindi lang gaanong magtatagumpay sa apat mong anak ay ang ikalawa (2-M arrow b.) kung saan hindi masyadong makapal o mahaba ang nasabing Guhit ng Anak (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bagama’t magtatagumpay ang tatlo mong mga anak sa larangan ng materyal na bagay, ‘yung ikalawa ay posibleng hindi masyadong umasenso at umunlad, pero kahit na papaano ay maituturing pa ring maganda ang kanyang pamumuhay.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Marissa, partikular ang Guhit ng mga Anak (Drawing A. at B. 1-M arrow a., 2-M arrow b., 3-M arrow c. at 4-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, tiyak ang magaganap – magkakaroon kayo ng lupa at bahay sa 2034, sa edad mong edad mong 57 pataas, sa panahong may maganda at matatag nang trabaho ang inyong mga anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page