top of page
Search
BULGAR

Mga anak, kaya ‘di pinag-showbiz… “I HATE MANIPULATION. I HATE THE HYPOCRISY” - SNOOKY

ni Lucille Galon @Special Article | July 15, 2024



Showbiz News

Ibinulgar ni Snooky Serna ang mga hinaing niya sa kalakaran ng showbiz sa YouTube vlog ni Pops Fernandez na naging dahilan para hindi niya magustuhan na makapasok ang mga anak sa mundo ng entertainment. 


Ang mga anak ni Snooky ay sina Samantha at Sachi Cepeda.


Sey ni Snooky, “Ayaw nilang mag-showbiz. They’re not particularly fond of showbiz.” 


Thankful naman daw ang aktres at naging mabuti sa kanya ang industriya, pero meron siyang mga hindi nagustuhan sa higit na limang dekada niya sa showbiz.


Pahayag niya,“I’ve always been treated with concern, with understanding, with love, and support.


“I’m thankful that nakatagal ako ng ilang taon, nakatagal ako ngayon because I love acting.

But it’s not necessary that I love everything about showbiz.”


Aniya pa, “I hate manipulation, I hate the hypocrisy, I hate the long working hours na kung

minsan, ‘di na makatarungan.


“‘Yun sana ang wini-wish kong mabago. I wish that sana our filmmakers, our producers, or people who are in higher authority to be more considerate of the actors.


“I feel for the talents. I feel for the crew members na they don’t have the luxury of having a standby area, lalo pa ang init ng panahon, malamig, ‘di na natin makontrol ‘yung pagka-weird ng weather ngayon.”


Well, kahit nga may naipasa nang batas para rito na paglilimita sa working hours at penalty na P100,000 sa mga productions at producers na hindi susunod ay may ilan pa rin daw na lumalabag at hindi pa rin nagbibigay ng tamang pasahod.


 

INAMIN ni Rita Daniela na muntik na niyang pagdaanan ang postpartum depression.

Feeling niya raw ay hindi siya maganda nang ipanganak niya ang kanyang baby na si Uno dahil hindi na raw niya nakukuhang mag-ayos o magpaganda.


FYI (for your information) mga Ka-BULGAR, ang postpartum depression ay pansamantalang kalungkutan ng mga nanganganak na madalas ay sinasabi nilang “panandaliang kalumbayan.” 


Ang mga sintomas ay karaniwang nakikita sa unang linggo matapos manganak at maaaring tumagal hanggang 10 araw na may kasamang pagluha, pagkainis, pagod, pag-aalala, at pagiging maramdamin na kung minsan ay matindi at kung minsan ay hindi.


Pahayag ni Rita, “Dumating talaga sa point na parang ang feeling mo na ang pangit-pangit mo, tamad akong mag-ayos. Papunta na pala ‘yun sa postpartum depression.


“Pero nilalabanan ko. So, when I feel that, mine-message ko (ang) mga kaibigan ko. I tell my friends, ‘Uy, labas naman tayo,’ or 'Uy, ilabas n’yo naman ako.’

“I don't wanna go there. I don’t wanna go to the postpartum stage. I don’t wanna go to the dark side of a mom.”

Nag-focus din siya sa All-Out Sundays para maging busy.

“Right now, Uno is my main source of happiness. Lahat ng klaseng emotions, nailabas ko na dahil sa baby ko.

“That’s my responsibility as a mom and as a parent. Kailangang mapunuan ko kung ano ang kulang. So, I really have to help myself, kaya gusto ko na maging busy talaga.

“But I think motherhood suits me well. That’s one thing I have to say. And I love it,” masayang sabi pa ni Rita.

Para sa lahat ng mommies lalo na sa bagong panganak, sana po ay malagpasan n’yo ang postpartum depression at ‘wag mahiyang humingi ng tulong tulad ng ginawa ni Rita Daniela. 

Take care of your mental health, mga Ka-BULGAR!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page