top of page

Mga agresyon ng China, 'di pwedeng balewalain — P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | Oct. 11, 2024



Photo: Pangulong Bongbong Marcos / PCG WPS / PCO


Nagpahayag si Pres. Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., kamakailan sa mga world leaders na hindi maaaring balewalain ang mga ginagawang aksyon ng China sa South China Sea (SCS) dahil mas nagiging mapanganib ito at patuloy ang pagtaas ng tensyon.


Sa kanyang pahayag sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) - East Asia Summit (EAS), nagbigay si Pangulong Marcos Jr. ng detalyadong ulat kung paano ilegal na nagpatunog ng mga horn, gumamit ng water cannons, at binangga ng mga barko ng China ang mga sasakyang pandagat ng 'Pinas sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.


“Though positive developments have occurred recently in my country, it is regrettable that it has not changed the overall situation in the South China Sea, tensions remain,” saad ni Marcos.


Tinuligsa rin ng Presidente ang ASEAN at China dahil sa mabagal na usad ng negosasyon para sa Code of Conduct sa SCS, isang kasunduan na inaasahang magtatakda kung paano dapat mapayapang lutasin ng mga bansa sa paligid ng pinag-aawayang karagatan ang mga nasabing sigalot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page