top of page

Mga adik sa online sugal, i-rehab

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 22, 2025



Editorial


Isang tahimik subalit mapanirang epidemya ang lumalaganap — ang pagkakalulong sa online sugal. 


Sa isang pindot lamang sa cellphone o computer, maaaring malubog ang isang tao sa mundo ng kasino, sports betting, at iba pang uri ng sugal na ngayon ay mas abot-kamay kaysa dati. 


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang online gambling ay nagdudulot ng matinding pinsala — hindi lamang sa pananalapi kundi pati sa relasyon ng pamilya at kalusugan ng pag-iisip. 


Sa pagkalulong, nauuwi sa utang, depresyon, at minsan pa’y krimen. Ngunit sa kabila ng

bigat ng problemang ito, tila kulang pa rin ang pansin at suporta para sa mga biktima ng online gambling addiction.Ang solusyon ay hindi lamang paghihigpit — kailangan ng rehabilitasyon. 


Sa pamamagitan ng tamang edukasyon, suporta, at rehabilitasyon, maaari nating matulungan ang mga nalululong na muling makabangon at bumalik sa tamang landas.

Kasabay nito ang panawagan sa mas mahigpit na regulasyon sa mga online gambling platforms. Wala na sanang menor-de-edad na makalusot at mas marami pang ma-ban na adik sa sugal.


Kung hindi makokontrol ang isyu sa sugal, mas malaking problema ang papasanin ng lipunan.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page