top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga aberya sa halalan, nangyari na naman

BULGAR
May 10, 2022
2 min read

@Editorial | May 10, 2022


Mga pumalyang vote counting machine (VCM), naantalang botohan at mahabang pila. Ito ang ilan sa mga kaganapan sa pag-arangkada ng makasaysayan, makulay at maingay na national at local elections kahapon, sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.


Ilang oras matapos buksan ang botohan, ilang VCMs ang kinailangang palitan na karamihan ay sa Metro Manila.


Base sa protocol, makasasagot pa rin ang mga botante sa kanilang mga balota, na kokolektahin muna ng electoral board para sabay-sabay namang isubo sa VCM kapag umayos na ito, saksi ang mga poll watcher. Kumbaga, kahit may aberya sa VCM, tuloy ang botohan.


Sa ilang presinto, nagkaroon din ng mahabang pila ng mga botante dahil sa naantalang pagsisimula ng botohan. Bukod sa pumalyang VCM, ilang lugar ang wala pang poll watchers at nagkaroon din ng palitan ng balota.


Ang tanong tuloy ng mga botante sa Comelec, “‘anyare?”


Sa haba ng panahon ng paghahanda, sa laki ng budget para sa ginagamit na mga VCM, bakit may kapalpakan pa ring nangyari?


Bagama’t aminado ang kinauukulan na may kalumaan na ang mga makina at posible talagang pumalya, ganu’n na lang ba ‘yun?


Taong 2010 nang makuha ng kompanyang Smartmatic ang kontrata para sa pagpaparenta ng mga VCM. Ganu’n na katagal pero, 2022 na, hindi pa ba sapat ang haba ng panahon para nagawan sana ng paraan na kung hindi man napalitan ang mismong mga makina ay naayos talaga nang hindi na sumablay pa?


Kailangang magpaliwanag ng Comelec at lahat ng nangangasiwa sa halalan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang duda hindi lang sa resulta ng botohan ngayon kundi maging sa mga darating pang halalan.


Kung hindi maiiwasan ang aberya sa ganitong sistema, baka kailangan nang mag-isip ng ibang paraan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page