top of page

Mga 4Ps graduates, ‘wag hayaang bumalik sa hirap

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 9, 2026



Editoryal, Editorial


Iniulat ng Department of Social Welfare and Development na nasa 1.4 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang “naka-graduate” na mula sa programa. 


Kasabay nito, sinabi rin na mahigit 500,000 pamilya ang ibabalik o ire-restore bilang benepisyaryo. 


Ipinapakita lamang nito na bagama’t may mga pamilyang nakaahon na, marami pa rin ang nananatiling hirap sa pagtaas ng presyo ng bilihin, kakulangan sa trabaho, at iba pang krisis.


Magandang balita na may mga unti-unti nang nakakamit ang mas maayos na pamumuhay. Ngunit hindi dapat dito nagtatapos ang usapan. Mahalaga ring tiyakin kung tunay bang matatag at pangmatagalan ang kanilang pag-angat sa buhay.


Ang pagre-restore naman sa kalahating milyong pamilya ay malinaw na indikasyon na maraming Pilipino ang madaling bumalik sa kahirapan kapag humina ang kita o nawalan ng oportunidad. Dapat maging paalala ito sa pamahalaan na hindi sapat ang pansamantalang ayuda lamang. Kailangang palakasin ang paglikha ng trabaho, suportahan ang kabuhayan, at tiyakin ang access sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan.


Hindi rin dapat maging batayan ng tagumpay ang dami lamang ng “graduates” sa 4Ps. Mas mahalagang masukat kung gaano karami ang tunay na naging matatag laban sa gutom at kahirapan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page