Search
  • BULGAR

MEGAN, 'DI NA MAKAKAIN SA KALALARO NG MOBILE GAMES

ni Nitz Miralles - @Bida | June 24, 2020




Marami ang nainggit kay Megan Young sa in-upload na video ni Mikael Daez kung saan sinusubuan nito ang misis habang hawak ang phone at tila naglalaro ng online games.

Sabi kasi ni Mikael, busy si Megan mag-gaming at ang kanyang role ay pakainin ang asawa.


‘Yun daw ang totoong sitwasyon nila sa bahay, uber high maintenance si Gaming Queen at siya ang server, waiter at feeder.


Aliw ang suggestion na i-dextrose na lang ni Mikael ang pagpapakain kay Megan para hindi na siya maabala.


Pero bago pa mas maraming mainggit kay Megan at tawaging under de saya si Mikael, nilinaw nitong nagbibiro lang siya at para lang sa video ang pagsubo niya ng pagkain kay Megan.


Samantala, may video chat ang cast ng Love of My Life para sa mga viewers na nami-miss na sila.


Sa June 26, si Carla Abellana ang unang sasalang, susunod si Mikael sa July 3 at si Rhian Ramos sa July 10. Tinawag na Let’s Talk Love ang live video chat ng tatlo kung saan puwede ninyo silang tanungin about anything.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.