top of page
Search

Medical allowance nina ma’am at sir, matatanggap na

BULGAR

by Info @Editorial | August 22, 2024



Editorial

May magandang balita para kina ma’am at sir sa pampublikong eskwelahan dahil simula sa susunod na taon, makakatanggap na sila ng expanded healthcare benefits.


Ayon sa Department of Education (DepEd), alinsunod sa Executive Order No. 64, series of 2024, ang mga eligible government civilian personnel, na kinabibilangan ng mga guro, ay pagkakalooban ng gobyerno ng annual medical allowance na hanggang P7,000.

Layunin umano ng naturang allowance na i-subsidize ang halaga ng health maintenance organization (HMO)-type benefits.


Bilang karagdagan pa sa naturang medical allowance, ang mga public school teachers ay tatanggap din ng P5,000 tax-free teaching allowance para sa School Year 2024-2025. Ito ay dahil sa Kabalikat sa Pagtuturo Act o Republic Act 11997. Ang naturang allowance ay inaasahan namang tataas pa sa P10,000 simula sa School Year 2025-2026.


Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng DepEd ang mga teaching at non-teaching personnel na sila ay eligible na maghain ng claims sa ilalim ng Government Service Insurance System (GSIS)-issued Personal Accident Insurance (GPAI) policy. Ito ay nagbibigay ng coverage para sa accidental death o dismemberment na hanggang P100,000 at medical reimbursement na hanggang P30,000 para sa pagkasugat. 


Mainam na patuloy ang pagtutok sa kalagayan ng ating mga guro. Sa pamamagitan nito, mas naaalagaan sila at nasisiguro na magiging maayos ang paghahatid ng edukasyon sa mga kabataan.


Umaasa tayo na mas magiging malawak pa ang mga programa ng gobyerno para sa mga titser at sa edukasyon na wala namang ibang aani kundi ang bayan.


0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page