top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mayor Magalong, hindi magawang ipahuli ang mga manraraket, eepal pa sa paglilinis sa PNP, buwisit!

  • BULGAR
  • Jan 9, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 9, 2023


HINDI NGA MAGAWA NI MAYOR MAGALONG IPAHULI ANG MGA MANRARAKET SA BAGUIO CITY, TAPOS MAKIKIEPAL PA SIYA SA PAGLILINIS SA PNP—Sabi ni Interior Sec. Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Gov't (DILG) na isa si Baguio City Mayor, ret. Police Gen. Benjamin Magalong sa magiging miyembro ng 5-person-panel na sasala kung sino sa mga police colonel at police generals na magre-resign ang sisibakin o pananatilihin sa puwesto.


Pambihira, eh hindi nga magawa ni Mayor Magalong na utusan si city chief of police Col. Glenn Lonogan na dakpin ang mga ilegalistang sina "Patrick" na may raket na "mini-casino" sa Legarda Road at Bokawkan Road; at "Edna" at "Jimmy" na may raket na drop balls at color games sa Magsaysay Road at "Nestor" na may raket din na drop balls at color games sa Kayang Hilltop, tapos makikiepal pa siya sa paglilinis sa PNP.


◘◘◘


NABUBUWISIT NA ANG MAMAMAYAN KASI MANANAWAGAN ANG COMELEC NA MAGPAREHISTRO PARA MAKABOTO TAPOS IPO-POSTPONE ANG ELEKSYON—Ang inaasahan ng Comelec na bilang ng magpaparehistro mula Dec. 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023 para makaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa October 2023 ay nasa 1.5 milyon hanggang 2 milyon, pero sa data ng Comelec ay mula December 12, 2022 hanggang Enero 2023 ay nasa higit 200K katao pa lang ang nakapagpaparehistro.


Ibig sabihin, malabong mangyari ang target ng Comelec na makapagparehistro sila ng mula 1.5M hanggang 2M na mga bagong botante at ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang nagpaparehistro kasi nabubuwisit na ang mamamayan sa mga pulitiko dahil mananawagan ang Comelec na magparehistro para makaboto sa halalang pambarangay, tapos ipo-postpone naman ang barangay election.


◘◘◘


MALABONG MANGYARI NA MAIBALIK ANG LIBRENG SAKAY—Malabong mangyari ang inaasam ng mga komyuter na maibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.


Nasabi natin ito kasi pinaplantsa na ni DOTr Sec. Jaime Bautista, na i-privatize ang EDSA Bus Carousel na ibig sabihin, pribadong kumpanya na ang namamahala rito at siyempre, kapag private company na namahala sa EDSA Bus Carousel, wala nang libre riyan at ang mas malamang ay tumaas pa ang pasahe riyan.


◘◘◘


DAPAT SUSPENDIHIN ANG OIL EXCISE TAX NA PINAIRAL NI DUTERTE PARA BUMABA ANG INFLATION RATE—Sobrang taas na ang presyo ng mga bilihin at bayarin, at patunay d'yan ang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sumirit na sa 8.1 % ang inflation rate sa Pilipinas.


Simple lang naman, ang solusyon para bumaba ang inflation rate at ito ay ang suspendihin na ng Marcos administration ang isinabatas ni Duterte na oil excise tax, kapag nasuspinde na kasi 'yan ay awtomatik, hindi lang presyo ng mga produktong petrol ang bababa, kundi pati ang presyo ng mga bilihin at bayarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page