May suot nang singsing… JASON, IDINISPLEY NA ANG IPINALIT KAY MOIRA
- BULGAR
- May 12, 2023
- 2 min read
ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | May 12, 2023

Marami ang nagulantang sa ipinost na larawan ng singer-songwriter at estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jason Marvin Hernandez sa kanyang Instagram account.
Makikita sa nasabing larawan na may kasama si Jason na isang 'mystery girl' habang nakayakap pa nga ito sa kanya.
Nakasuot ang nasabing 'mystery girl' ng sumbrero at hindi nito ipinakita ang kanyang mukha.
Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang haka-haka sa kung sino ba talaga ang naturang 'mystery girl' ngayon sa buhay ni Jason.
May mga nakapansin na ang suot na singsing ni 'mystery girl' sa naturang larawan ay kapareho umano ng singsing ni Moira.
At bago nga ipinost ni Jason sa kanyang Instagram ang larawan kasama ang 'mystery' girl na nakayakap sa kanya ay humugot muna ito tungkol sa usapin kung paano mag-move on sa isang relasyon.
Ang hirit pa nga ni Jason, "Gaano pa ba kalayo ang tatakbuhin para maka-move on sa 'yo? Joke."
Ang tanong tuloy ng madlang pipol, may bago na bang babaeng nagpapaligaya ngayon kay Jason o baka naman nagkabalikan sila ng asawang si Moira?
Kaya ba hindi nito ipinapakita ang kanyang mukha ay dahil nahihiya siya matapos ang kanilang highly publicized breakup last year?!
Pero nang may isang netizen ang nagtanong kay Moira sa kanyang Facebook page kung siya ba 'yung kasama ni Jason sa ipinost nitong picture sa IG Story, matipid lang ang naging sagot ng singer, "Hindi po."
Sinang-ayunan din ng isa sa mga Facebook fan pages ni Moira ang naging sagot ng singer-songwriter at ang sabi nila, "Just to clarify all the speculations around, Moira is definitely not the girl on Jason's IG Story. The ring and the bracelet are not the same. Moira's ring is silver while the ring that the girl is seen wearing on Jason's IG Story is gold. At 'yung bracelet po, walang ganyan si Moira. Come on, let's move on and maging happy na lang sa kani-kanyang buhay."
So, 'yun na nga, mga ka-Marites. Nagsalita na si Moira na hindi siya 'yung 'mystery girl' na kasama ng ex-hubby niyang si Jason sa IG Story nito.
Kaya abangan na lang natin ang big reveal ni Jason kapag ipinakita na niya ang mukha ni 'mystery girl'.








Comments