top of page

May peace of mind na raw ngayon… GRETCHEN, NEVER NANG BABALIK SA SHOWBIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 16, 2026



TEKA NGA - GRETCHEN, NEVER NANG BABALIK SA SHOWBIZ_IG _gretchenbarretto

Photo: File / IG _gretchenbarretto



Matagal nang hindi nagpaparamdam sa lahat si Gretchen Barretto. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon na hindi siya namataan sa kahit anong event sa showbiz. Tanging malalapit na kaibigan lamang ang nakakaalam ng mga kaganapan sa kanyang buhay. 

Maging sa social media ay nanahimik si La Greta, kaya walang balita kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.


Pero natiyempuhan si Gretchen Barretto ng ilang entertainment press sa isang sosyal na resto. At kahit papaano, natanong kung babalik pa ba siya sa showbiz. 


Wala na raw plano ang aktres na bumalik pa sa showbiz. Mas gusto na niya ang buhay niya ngayon na tahimik at walang intriga dahil may peace of mind na siya at iyon ang mahalaga sa kanya.



OPEN si Vice Ganda sa pagsasabing mahihirapan siya sa pagdadala ng It’s Showtime (IS) kapag si Anne Curtis ang matagal na mawawala. 


Bagama’t malalaking artista rin ang iba pang hosts ng show tulad nina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Amy Perez, Kim Chiu, Karylle, Jhong Hilario, Darren Espanto, atbp., iba raw ang appeal ni Anne kapag kasama nila sa IS.


Kahit madalas ay nabubulol sa kanyang spiels at sintunado kumanta, gustung-gusto ng mga viewers si Anne. Tinatanggap ng lahat ang kanyang kakulangan bilang host ng show kaya magaan para kay Vice Ganda kapag nasa IS si Anne. 


Pero dahil sa pagpanaw ng ama ng aktres, naka-leave ito ngayon sa show. Naiintindihan ito ng mga kapwa niya hosts ng show at nagparating sila ng pakikiramay kay Anne Curtis.



BUKOD sa pag-arte, passion din ni Judy Ann Santos ang pagluluto. Kaya nagsikap siyang itayo ang kanyang resto, ang Angry Adobo. 


Hands-on si Juday sa pagpapatakbo ng kanyang resto business, katulong ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo. 


Noong panahon ng COVID pandemic ay sinubok ang kanilang tatag. Kulang sila noon ng staff at maraming restrictions. Tumulong si Ryan sa pagde-deliver ng mga orders. Kahit

paano ay nalampasan nila ang COVID pandemic at nag-survive ang kanilang resto. 


Naging priority ni Judy Ann ang kanyang resto business kaya nalimitahan ang pagtanggap niya ng movie at TV projects. Kinarir niya nang husto ang kanyang resto business at pinalawak pa ang kanyang kaalaman bilang chef.


Ngayon, pangarap ni Judy Ann na mapansin ng Michelin Guide ang Angry Adobo. Gusto niyang ilapit sa masa ang kanyang resto. 


Ang Angry Adobo ay dinarayo na at maging ang kapwa celebrities ay kumakain na rito. Thankful si Juday sa suporta ng mga taga-showbiz sa kanyang resto. Baka next year ay mapansin na ito ng Michelin Guide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page