top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May kamandag pa rin si Ex-P-Duterte sa Marcos Admin para bulukin sa kulungan si De Lima

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 22, 2023


‘DI LANG ANG P20/KILO NG BIGAS ANG SUNTOK SA BUWAN KUNDI PATI ANG 1.2-M PABAHAY—Pinutakte na naman ng batikos sa social media si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kaugnay sa statement niya na kaya raw ng kanyang administrasyon na makapagpagawa ng 1.2 milyong pabahay yearly para sa mahihirap na Pinoy.


Mababatikos talaga siya kasi ‘yung P20/kilo ng bigas na ipinangako niya ay hindi natupad, eh ‘yun pa kayang milyun-milyong pabahay?


Sa totoo lang, ‘yung P20/kilo ng bigas at 1.2-M pabahay yearly, eh, dapat ‘wag nang asahan ‘yan ng mamamayan kasi parehong suntok sa buwan ang mga naturang pangako ni P-BBM, period!


◘◘◘


‘PAG TULUYANG IDINEKLARANG TERORISTA SI CONG. TEVES, TAPOS NA ANG HAPPY DAYS NIYA SA PAGTATAGO SA IBANG BANSA—Desidido si Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla na ideklarang terorista si suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. dahil sa mga kasong pagpatay, kabilang ang pagpapapatay kay Gov. Roel Degamo at mga ilegal na gawain nito sa Pilipinas.


Kapag pormal nang idineklarang terorista si Cong. Teves, tapos na ang happy days niya sa pagtatago sa ibang bansa dahil tiyak na huhulihin siya kung saang bansa siya naroon para i-deport. Kapag nangyari ‘yan, siguradong pagbaba niya sa airport ay diretso na siya sa kulungan. Boom!


◘◘◘


‘PAG NAGTAGUMPAY SI REMULLA NA HARANGIN ANG PIYANSA NI DE LIMA, TULUYAN SIYANG MABUBULOK SA KULUNGAN—Haharangin daw ni Sec. Remulla ang ihihirit na piyansa ni detenidong dating Sen. Leila de Lima kaugnay sa kinasasangkutan niyang kaso na may kinalaman sa droga.


Hay naku, umaasa pa naman si De Lima na kapag wala na sa puwesto si ex-P-Duterte ay makakalaya na siya dahil biktima lang talaga siya ng political persecution ng Duterte administration, gayundin, binawi na ng mga testigo ang kanilang testimonya laban sa former senator, tapos haharangin ni Remulla na siya ay makapag-bail.


Kapag pinaboran ng korte ang pagharang ni Remulla sa hirit na piyansa ni De Lima, ibig sabihin, may ‘kamandag’ pa rin si ex-P-Duterte sa Marcos administration para masunod ang kagustuhan niyang bulukin si De Lima sa kulungan. Tsk!


◘◘◘


ONLI IN DA ‘PINAS NA ANG MGA INIISYUNG ID AY GAWA SA PAPEL—Hindi lang ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang nag-iisyu ng Philippine National ID na gawa sa papel dahil maging ang Land Transportation Office (LTO) ay gawa na rin sa papel ang ibibigay na driver’s license sa mga tsuper.


Patunay ‘yan na poor ang bansa, kasi onli in da ‘Pinas na ang mga ID na iniisyu ng gobyerno sa mamamayan ay hindi gawa sa plastic kundi gawa sa papel. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page