top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maunlad na buhay at negosyo, pahiwatig ng palay at huni ng ibon

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 25, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako papunta sa bukid namin sa probinsiya.


Masayang-masaya ako dahil ang gaganda ng tanim naming palay at hitik na hitik ang butil. Sa dako pa roon, nakatanaw ako ng mga hummingbirds, sarap na sarap ako sa pakikinig ng huni ng mga ibon.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donato


Sa iyo, Donato,


Napakaganda ng ipinahihiwatig ng panaginip mo dahil ang ibig sabihin ng masaya kang naglalakad sa bukid n’yo ay malapit nang matupad ang mga pangarap mo sa buhay.


Ang palay na hitik na hitik sa butil ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at pag-unlad sa buhay kung saan yayaman ka na at uunlad ang iyong kabuhayan.


Samantala, ang mga hummingbirds naman na napakaganda ng huni at sarap na sarap ka sa pakikinig ay nangangahulugan ng paglalakbay na may kaugnayan sa negosyong balak mong buksan. Ito rin ay nagpapahiwatig ng tagumpay at pagpapala sa kasalukuyan mong gawain.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page