Matuto na tayo sa panganib na dulot ng paputok
- BULGAR
- Dec 29, 2021
- 1 min read
@Editorial | December 29, 2021
Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, may mga naitala nang biktima ng paputok.
Ayon sa Department of Health (DOH), may 19 na fireworks related injuries na ang naitala.
Mas mataas umano ito nang 58% kumpara sa 12 kaso lamang na naitala sa kaparehong petsa noong 2020.
Wala pa namang naitalang biktima na nakalulon ng paputok, sapul sa ligaw na bala o nasawi.
Napag-alamang ang nakadale sa mga biktima ay ilegal na paputok, tulad ng boga at Piccolo.
Para sa kaalaman ng publiko, batay sa inilabas na listahan ng Philippine National Police (PNP), kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay 5-Star, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Bin Laden, Boga, Coke-In-Can, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Goodbye Bading, Goodbye De Lima, Goodbye Napoles, Goodbye Philippines, Hello Columbia, Kabasi, Kwitis, Large Size Judas Belt, Lolo Thunder, Mother Rockets, Piccolo, Pillbox, Pla-Pla, Poppop, Super Lolo, Super Yolanda, at Watusi.
Mga magulang, ngayon pa lang ay ipaunawa na sa mga bata ang panganib na maaaring idulot ng pagpapaputok.
Napakarami na nating kinahaharap na problema, huwag nang dagdagan pa.
Bukod sa bumabawi pa lang tayo sa mga epektong naidulot ng pandemya, dinaanan pa tayo ng bagyo, at ngayo’y may banta pa na maaaring tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 dahil tila marami ang naging kampante at nag-party nang bonggang-bongga.
Maraming paraan upang salubungin ang New Year nang ligtas at masaya. Huwag nang matigas ang ulo, plis lang.



Comments