Search
  • BULGAR

MATTEO, TUTURUAN NI MICHAEL V. NG TAMANG PAG-A-UNBOX

ni Nitz Miralles - @Bida | June 25, 2020




Nag-call si Matteo Guidicelli sa imbitasyon ni Michael V. na magsabay silang magbukas ng box ng PS4. Ito’y pagkatapos ma-bash si Matteo dahil sa maling pagbubukas ng box ng PS4.


Sabi kasi ni Michael V., “UH OH! Who’s down for this? Let’s do this @matteog!”

“Anytime. Game on,” ang sagot ni Matteo kay Michael V. kaya abangan na lang natin kung kailan mangyayari ang magiging collab ng Kapuso at Kapamilya actors.


Naging controversial ang “unboxing” video ni Matteo. May mga nainis sa kanya dahil hindi raw pinahalagahan ang pagbubukas ng box ng PS4 lalo’t regalo lang daw ‘yun kay Matteo at hindi binili.


Inamin naman ni Matteo na first time niyang mag-unbox ng PS4 at huli na nang malamang dapat buo ang kahon para sa warranty.


Ang imbitasyon ni Michael V. kay Matteo na sabay sila sa unboxing ay para sa release ng PS5 later this year. By that time, alam na ni Matteo ang tamang proseso ng “unboxing” at bibigyan siya ng tips ni Michael V. para hindi na ma-bash.


Speaking of Michael V., fan ang Kapuso actor ng Voltes V at nabanggit na pinipilit at kinukulit niya si Director Mark Reyes na isama siya sa cast ng Voltes V: Legacy na gagawin ng GMA-7. Kahit daw maliit lang ang role niya, okay lang sa kanya, basta makasama lang siya sa cast.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.