Matanda ka na, keri mo na ba? ALAMIN: mga bagay na dapat pag-isipan bago maging 25-anyos
- BULGAR
- Feb 6, 2022
- 2 min read
Updated: Feb 7, 2022
ni Mharose Almirañez | February 06, 2022

“Ilang taon ka na?”
Isa sa basic na tanong, pero minsan ba ay naitanong mo na sa sarili mo kung ano ang mga gusto mong ma-achieve as you grow older?
Sabi nga nila, “Adulting starts at 25 years old.” Ito ‘yung crucial part kung saan dapat ay financially stable ka na at mayroong successful career. Ito rin daw ang marrying age, pero paano kung confused, broke at single ka pa rin that time?
Bilang gabay sa ‘yong pagtanda, narito ang ilang katanungan na kailangan mong sagutin bago ka tuluyang tumuntong sa edad 25:
1. SAAN BA TALAGA AKO MAGALING? Kailangan mong alamin at i-enhance kung anumang talent o skills ang mayroon ka dahil ‘yan ang pinakamagandang investment na hindi ka malulugi at hindi puwedeng maagaw ng iba.
2. ANO BA TALAGA ANG PANGARAP KO? Mahirap naman kung ang tanda mo na pero naguguluhan ka pa rin sa landas na gusto mong tahakin. Ngayon pa lang ay magnilay-nilay ka na dahil hindi ka hihintayin ng oportunidad kapag ito na ang kumatok.
3. BAKIT KO KAILANGANG MAGTRABAHO? Aba malamang! Gusto mo ba maging palamunin habambuhay ng mga magulang mo? Sa edad mong ‘yan, dapat ay alam mo na kung paano maging good provider. Dapat mayroon ka ring target company and position as you reach that age. Please lang, huwag ka na dumagdag sa unemployment rate ng ‘Pinas.
4. KAILAN AKO MAKAKAPAG-SETTLE DOWN? Siguraduhin mo munang handa ka na spiritually, physically, mentally and financially bago ka pumasok sa panibagong chapter ng buhay. ‘Wag gumawa ng bata kung hindi kayang panindigan. ‘Wag puro kilig, besh!
5. PAANO BA MAGING ADULT? Sa totoo lang, mahirap talagang maging adult. ‘Yung tipong mapapaiyak ka na lang sa gabi, hindi dahil heartbroken ka kundi dahil sa deadlines, bills, and responsibilities. ‘Yung kinu-kuwestiyon mo ang kakayahan mo. ‘Yung kahit ibinigay mo na ang lahat, parang kulang pa rin. ‘Yung kahit hindi ka okey emotionally and physically ay kailangan mo pa ring bumangon para magtrabaho at makisama sa toxic na mundo.
Kaya ikaw, ready ka na bang maging adult? Matanda ka na kaya dapat kang umakto nang naaayon sa edad. Ayaw mo naman sigurong masabihang isip-bata, ‘di ba?
Maliban sa mga ‘yan, dapat ay mayroon ka nang 2 valid government IDs dahil ‘yun ang kauna-unahang hinahanap sa lahat ng transaksiyon. Kailangan mo ring magparehistro sa Comelec para maging lehitimong botante upang magkaroon ka ng silbi sa lipunan.
Ina-advise ko rin na habang bata ka pa ay kumuha ka na ng life insurance. Marami ang nagse-set aside nito dahil dagdag-gastos lang daw, pero dapat mo ring isipin na napakalaking tulong ng insurance kung sakaling maaksidente, magkasakit o mamatay ka.
Sabi nga ng iba, huwag magmadali dahil may kani-kanya naman tayong timeline ng buhay.
Hindi porke you’re taking longer than others, it doesn’t mean you’re a failure. Ngunit paano kung kaka-chill mo ay napag-iwanan ka na ng panahon?
Sana ay masagot mo ang mga iniwan kong tanong. Good luck and welcome sa adulting stage!








Comments