top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mass transport, solusyon din sa non-stop oil price hike

BULGAR
Jun 15, 2022
1 min read

@Editorial | June 15, 2022


Kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nabawasan naman ang bilang ng mga sasakyang bumabagtas partikular sa EDSA.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula sa dating mahigit 417,000 noong Mayo, ngayo’y nasa mahigit 390,000 na lang.


Maaaring sumasakay na lamang ang ilang car owners sa mga pampublikong transportasyon dahil sa lingguhang taas presyo ng gasolina at diesel. Ang tanong, kumusta ang public transpo? Kaya ba ang dagsa ng mga pasahero? Naipatutupad pa ba ang health protocols kontra sakit? Mahigpit pa rin ba ang pagbabantay laban sa anumang banta ng karahasan? Sana ay oo.


Sa totoo lang, ang mass transport system ang ‘best long-term solution’ sa problema sa trapiko. Sa halip na magdagdag ng mga kalsada, ayusin at gawing mas komportable ang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga tren at ferry. Maraming gustong mag-commute pero may ibang nag-aalangan dahil sa paniwala na mahirap at delikado, at dapat itong mabago.


Kung mas mapapaunlad ang mass transport, ito’y magiging malaking katipiran, hindi lang sa mga mananakay kundi maging sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page