top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mass gathering ng mga pulitiko, bantayan

BULGAR
Oct 7, 2021
1 min read

@Editorial | October 07, 2021


Patuloy ang pag-arangkada ng pagpa-file ng certificate of candidacy (CoC), nagkakaalaman na kung sino ang mga maghaharap sa Halalan 2022.


Kasabay nito, bagama’t hindi pa opisyal na nagsisimula ang campaign period na nakatakda sa Pebrero 2022, aba’y kaliwa’t kanan na ang pagpaparamdam ng mga kandidato.


Actually, noong nakaraang taon pa ay nagsimula nang umepal ang mga nag-aambisyon sa puwesto. Nagkalat na ang kanilang pangalan at pagmumukha sa kalsada, telebisyon at lalo na sa social media.


Ang masaklap, sa kabila ng limitadong kilos at mga panuntunan dahil sa COVID-19 pandemic, eh, may iba na nakakalusot pa rin.


Ayon sa Comelec, kaliwa’t kanan ang mga pagtitipon o mass gathering kaugnay ng paparating na halalan. Alam nang bawal, ginagawa pa rin, ang masaklap, silang mga gusto kunong maging lider ng bayan ang mga pasimuno sa pagpapasaway.


Kaya ayon sa ahensiya, wala dapat sisihin kundi ang mga pulitiko mismo o ang mga gustong kumandidato kung maging superspreader ng COVID-19 ang kanilang mga pagtitipon.


Kung ang simpleng pagsunod sa panuntunan ay hindi nila magawa, paano pa sila magiging karapat-dapat na mamuno sa sambayanan?


Ulitin natin sa mga hindi makaintinding pulitiko, dapat mag-ingat at sumunod sa mga health protocols, hindi ‘yung basta makaepal lang. Kawawa ‘yung mga inosente na madadamay, magkakasakit dahil sa inyong kapabayaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page