Masaya at pang-forever na love life, darating sa 2021

Feeling malas sa love life, dapat mahanap ang ka-compatible sa birth date at zodiac sign
Loyal pero laging iniiwanan, liligaya sa love life next yr.
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 4, 2020
Dear Maestro,
Bakit lagi akong bigo sa pag-ibig, gayung tapat naman akong magmahal? Dahil dito, gusto kong malaman ang kapalaran ko. Tatlong beses na kasi akong iniiwan ng mga nagiging boyfriend ko, kailan ba ako magkakaroon ng seryoso, pangmatagalan at masayang relasyon na matagal ko nang pinapangarap na dumating? February 4, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Marian ng Maasin, Pura, Tarlac
Dear Marian,
Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, sa birth date na 4 at sa destiny number mong 1 (2+4+1993=1999/ 19+97=118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1), upang magkaroon ka ng seryoso, maligaya at panghabambuhay ng pakikipagrelasyon, hanapin mo ang mga lalaking katugma at ka-compatible mo.
Sila ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, Libra, Leo at kapwa mo Aquarius, na may birth date na 7, 16, 25, 1, 10, 19 at 28.
Sa sandaling nakatagpo ka ng ganyang manliligaw, ‘wag mo nang pakawalan, sapagkat sa lalaking nabanggit, sa pakikipagrelasyon, habambuhay ka nang magiging maligaya. Ayon sa iyong Love Calendar, ito ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2021, sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre sa edad mong 28 pataas.




Comments