top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Masama ang loob dahil ‘di pinaniniwalaan ang mga babala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2021
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | December 27, 2021



Dear Sister Isabel,


Isa ako sa mga biniyayaan ng gift ng Poong Maykapal. Mayroon akong gift of vision, intuition at vibration. Nararamdaman ko kung may mangyayaring masama sa kapaligiran, gayundin sa araw-araw kong pamumuhay. Ang problema ko ay hindi ako pinaniniwalaan ‘pag nagbibigay ako ng babala sa mga taong nakapaligid sa akin at huli na kung sila ay tumalima o tumugon sa mga babala ko.


Mahirap pala ang may gift na ganito kasi masakit sa loob ko kapag maraming napinsala sa mga kalamidad na dumating at sa kabila ng babala sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi naman nila ito pinapansin at inaakala pa ng iba na ako ay nababaliw o nasisiraan ng isip dahil minsan ay napakalalim ng mensahe ko.


Ano ang gagawin ko para paniwalaan ako ng kapwa ko sa sandaling may ipinahiwatig sa akin ang langit tungkol sa mga kalamidad na darating?

Nagpapasalamat,


Milagros ng Baguio


Sa iyo, Milagros,

Sadyang mahirap makumbinsi agad ang mga tao na paniwalaan ka sa babala mo kung may mensahe sa iyo na may kalamidad na darating. Hingin mo ang tulong ng Holy Spirit sa tuwing magpapahayag o magbibigay ka ng babala sa mga tao tungkol sa mga kalamidad na darating.


Ang banal na espiritu ang magpapaisip sa kanila na totoo ang mensahe mo at dapat nilang sundin ang sasabihin mo upang maiwasan ang kapahamakan na nakaambang dumating.


Taimtim kang manalangin sa Dakilang Kataas-taasan na gabayan ka sa mga regalo na ipinagkaloob Niya sa iyo. Tibayan mo rin ang iyong damdamin at huwag kang mag-alinlangan na isa ka sa pinili ng tadhana upang maging kasangkapan para mailigtas sa kapahamakan ang mga tao. Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa at panatilihing wagas at banal, at punumpuno ng kalinisan ang iyong pamumuhay.


Sumaiyo nawa ang walang hanggang pagpapala at mga biyaya ng Dakilang Lumikha.



Sumasaiyo,


Sister Isabel Del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page