top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas suwerte ‘pag sinunod ang birthday sa birth certificate kesa sa tunay na kaarawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 22, 2022



Dear Maestro,


Matagal na akong tagasubaybay ng inyong mga artikulo sa BULGAR at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dumulog sa inyo. Isa akong Scorpio at ipinanganak ako noong October 30, 1991.


Tulad ng mga nasabi n’yo, naranasan at patuloy kong nararanasan ang kapalaran ng Taong Tres. Nabigo ako sa unang pag-ibig at hanggang ngayon ay wala pa ring asawa.


Ano ang dapat kong gawin para maging masaya ang aking love life? Kung career naman ang pag-uusapan, maganda naman ito dahil okay naman ang kinikita ko sa aking trabaho. Sadyang love life na lamang ang tingin kong kulang upang maging masaya ako habambuhay.


Ang nakarehistro sa birth certificate ko ay November 10, 1991, mas masuwerte ba itong numero kesa sa totoo kong birthday na October 30, 1991? Kung ‘yung nauna ang gagamitin ko at tuluyang kalilimutan ang tunay kong birthday, magbabago pa ba ang aking kapalaran o ang pagiging Taong Tres pa rin ang iiral? Sana ay matulungan n’yo ako at mabigyan ng gabay tungo sa matagumpay at maligayang buhay.

Umaasa, Sol ng Galicia, Mendez, Cavite

Dear Sol,


Upang magkaroon ka ng maligaya at panghabambuhay na pag-ibig, mas makabubuting November 10, 1991 ang gamitin mong birthday at kalimutan mo na ang birthday mong October 30, 1991. Sa ganyang paraan, sa larangan ng pag-ibig, habambuhay ka nang liligaya.


Ang ikinaganda pa ng birthday na November 10, 1991, lumalabas na ikaw ay may birth date na 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1), ibig sabihin, Sun o ang Planetang Araw ang magiging ruling planet mo. Alam natin na ang mga Taong Sun o Uno ay may malakas na karisma sa opposite sex at nakatakda ka ring magkaroon ng kakaibang pang-akit at panggayuma.


Ang ikinaganda pa ng birthday na November 10, 1991, kung mapapasin mo, bukod sa birth date na 1 (dahil nga ang 10 ay 1+0=1), ikaw din ay magtataglay ng destiny number na 5 dahil ganito ang kompyutasyon: 11+10+1991=2012/ 20+12=32/ 3+2=5.


Ibig sabihin ng destiny number na 5, bibilis ang takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay at kapag binilisan mo rin ang pagpapasya at mga ginagawa mo sa araw-araw, mabilis ka ring magkakaroon ng bagong manliligaw, hanggang mabilis din kayong makakabuo ng lehitimo at masayang relasyon, hanggang sa tuluyan ka na ring makapag-asawa at habambuhay na liligaya.


Kaya sa sandaling November 10, 1991 ang ginamit mong birthday at kinalimutan mo na ang October 30, 1991, kusang darating ang mga lalaking ka-compatible mo. Sila ay ang mga isinilang sa zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23.


Sa piling ng mga lalaking nabanggit, hindi ka na muling mabibigo sa pag-ibig, habambuhay ka nang liligaya, at ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari sa taong 2024 sa edad mong 32 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page