Mas matibay na eskwelahan para may laban sa bagyo
- BULGAR
- 3 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | September 30, 2025

Hindi na bago sa Pilipinas ang pananalasa ng malalakas na bagyo.
Daan-daang paaralan ang nasisira — nawawasak ang mga silid-aralan, nalulusaw ang mga gamit, at nawawalan ng ligtas na lugar ang mga bata para matuto. Hindi sapat ang puro pangakong “aayusin agad” kung wala namang konkretong aksyon.
Sa bawat araw na nade-delay ang pag-aayos ng mga nasirang eskwelahan, nawawalan ng oras sa pag-aaral ang mga bata.
Hindi puwedeng ipagpaliban ang edukasyon.Dapat ay may mabilis at malinaw na plano ang gobyerno at mga lokal na opisyal para sa agarang rehabilitasyon ng mga paaralan.
Ilaan agad ang pondo, iprayoridad ang mga lugar na matinding naapektuhan, at siguruhing may transparency sa paggamit ng pondo. Walang dapat mapunta sa bulsa ng mga korup.
Isa pa sa pinakamahalagang mapagtuunan ay ang paggawa ng mas matitibay na eskwelahan, ‘yung ‘di basta bumibigay sa bagyo. Utang na loob, tigilan na ang paggawa ng mga palpak na proyekto. Maawa kayo sa buhay ng mga bata na puwedeng malagay sa panganib.
Comments