top of page
Search
  • BULGAR

Mas matandang bf, makakatuluyan kung tunay na binata

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 27, 2022


Dear Maestro,


May boyfriend ako ngayon at sa text ko lang siya nakilala. Gayundin, mas matanda siya sa akin nang anim na taon. Gusto kong malaman kung compatible ba kami at totoo ba ang sinasabi niyang siya ay binata? Siya kasi ang first boyfriend ko at sa edad kong 25, parang gusto ko na ring mag-asawa kung magwo-work naman ang relasyon namin.


Madalas na kaming mag-date at okey naman siyang kasama. January 15, 1997 ang birthday ko, habang August 27, 1991 naman ang birthday niya.


Umaasa,

Daisy ng Talaba, Bacoor, Cavite


Dear Daisy,


Kung ang nasabing lalaki ay nakasuot ng pula o asul noong unang araw na kayo ay nagkita o nag-date, habang ikaw ay nakasuot din naturang kulay, posibleng kayo na ang magkatuluyan at magsasama habambuhay. Ang naturang pag-aanalisa ay dahil magiging mahiwaga at mahalaga sa inyong samahan ang nasabing mga kulay, gayundin ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.


Samantala, bago ka magpakasal sa kanya, dapat alamin mo munang mabuti ang background ng kanyang pamilya o kung siya ba talaga ay binata. Marami kasing lalaki ngayon na kapag nakuha na ang gusto sa isang babae, saka nila ipagtatapat ang katotohanang sila pala ay may asawa o pamilya na. Tama nga naman, dahil nakuha na nila ang gusto nila sa babae, hindi na makaatras ang babae sa boyfriend niyang ito dahil naipagkaloob niya na ang kanyang pagkababae. Kaya ang kadalasang nangyayari, ang naturang babae ay habambuhay na nagiging kabit o kerida ng isang lalaking may asawa na.


Gayunman, hindi dapat mangyari sa iyo ‘yun, Daisy. Bagkus, tulad ng nasabi na, alamin mo munang mabuti ang background ng nasabing lalaki bago mo tuluyang ipagkaloob ang iyong tiwala at pagkababae sa kanya.


Kung natuklasan mong binata talaga siya, ang zodiac sign mong Capricorn at Virgo naman ang nasabing lalaki ay nagpapatunay na compatible kayong dalawa, dahil ang naturang zodiac signs ay may iisang elementong tinataglay – ang earth o lupa. Habang sa Numerology, kapwa nasa series of 3-6-9 ang inyong birthdate na 15 at 27, ibig sabihin, sadyang compatible kayong dalawa.


Samantala, kung nagbabalak kayong magpakasal, ayon sa iyong Love Calendar, ang pinaka-favorable year para ikaw ay mag-asawa ay sa taong 2025, partikular sa buwan ng Mayo o Oktubre upang matiyak ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Ituon lamang ang kasal sa kabilugan ng buwan o full moon at puwede ring new moon o first quarter. Sa ganitong paraan, tulad ng papabulas at papalaking buwan, tuloy-tuloy ding bubulas at uunlad ang itatayo n’yong pamilya habambuhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page