top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mas maraming COVID-19 cases, mas mahigpit na protocols

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2022
  • 1 min read

@Editorial | January 10, 2022



Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.


May mga humihirit na mas higpitan pa ang mga ipinatutupad na protocols.


Inirekomenda ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na itaas sa Alert Level 4 ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.


Nakadaragdag din umano ang kaso ng Omicron variant.


Punuan na rin ang mga ospital ngayon dahil sa dami ng pasyente na nagpopositibo sa virus pati na ang pagdami ng mga health workers na nagkakasakit.


Higit sa lahat, marami na rin ang nahahawahan ng sakit.


Hindi umano maikakailang mas mabilis makahawa ngayon ang Omicron variant.


Para naman sa atin, kahit ano pang alert level ang ipatupad, kailangang mag-ingat. Hindi ‘yung kapag niluwagan, eh, lalong umaalagwa.


Masyadong naging kampante ang marami at napabaya.


Ngayon, balik na naman tayo sa sitwasyon na buwis-buhay ang mga health workers at punuan na naman ang mga ospital.


Sana, hindi pa huli ang lahat, sana kaya pa nating makontrol ang sitwasyon.


Utang na loob, huwag nang matigas ang ulo. Kung wala namang importanteng gagawin sa labas, manahinik na lang muna sa bahay.


Isipin natin ang kapakanan ng mga bata na walang kamuwang-muwang sa nangyayari at nalalagay sa alanganin dahil sa kapabayaan nating mga nakatatanda.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page