Mas maluwag na travel restrictions, ‘wag sanang maabuso
@Editorial | January 30, 2022
Bubuksan na muli ng gobyerno ng Pilipinas ang pintuan nito para sa mga dayuhang negosyante at turista.
Sa inilabas na IATF resolution 159, nakasaad na pansamantalang sinuspinde ang classification para sa green, yellow at red countries epektibo sa Pebrero 1, 2022.
Pagsapit naman ng Pebrero 10, puwede nang papasukin ang mga international o foreign nationals na galing sa non-visa required countries sa ilalim ng EO 408 basta fully vaccinated.
Sa pamamagitan ng pagluluwag sa travel restrictions, inaasahang makababangon na ang sektor ng turismo sa bansa.
Malaki umano ang maiaambag nito para sa pagbabalik-trabaho o kabuhayan ng maraming manggagawa.
Kasabay nito, sana’y mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.
Batid natin na patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19. Unti-unti na tayong makakabawi, kaya huwag sanang masayang.
Pakiusap sa mga papasok ng bansa at sa mga bantay, tiyaking nasusunod ang lahat ng health protocols.
Kung may mga lalabag, mas mabigat na parusa ang agad na ipataw para hindi na pamarisan.



Comments