top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mas malala pa raw kay Gerald… STYLE NI CARLO SA MGA BABAE, IBINUKING

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 1, 2023
2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 1, 2023



Mabilis na nag-viral sa social media ang isang mahabang post ng Facebook page na may username na Ktn Kenya Teleseryes patungkol sa obserbasyon niya sa aktor na si Carlo Aquino.


Sa simula ng naturang post, sinabi ng FB user na mas malala pa raw ang ginagawa ni Carlo sa mga babaeng nakarelasyon nito kesa kay Gerald Anderson na kilala sa showbiz dahil sa pagkakaroon ng ‘playboy’ reputation.


Si Carlo raw talaga ang tunay na babaero dahil si Gerald ay minahal naman ang kanyang mga naging girlfriends bago hiniwalayan ang mga ito.


Si Carlo raw, bibigyan ang mga babae ng mga bulaklak, yayayaing makipag-date, pupurihin sa social media at pagkatapos ay paaasahin na lang.


At kapag nahulog na raw ang loob ng babae ay bigla na lang itong magbabago at maglalaho na parang bula.


Dagdag pa ng FB user, ‘emotionally unavailable’ raw ang aktor at nakikipagharutan lang sa mga babae kapag convenient ang sitwasyon para sa kanya.


Nabanggit pa nga nito na ganoon daw mismo ang ginawa ni Carlo sa kanyang mga dating naging karelasyon na sina Angelica Panganiban at ina ng anak niya na si Trina Candaza.


Dagdag pa ng naturang FB user, palabas lang daw ang ginawa nitong pag-iyak sa isang interview habang ikinukuwento ang ilang detalye hinggil sa relasyon nila ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon at kung paano ito naiiba sa mga dati niyang naging relationships.


Ganu'n naman daw kasi ang style ng mga lalaki kapag may mga bagong karelasyon, lalo na nga’t 38 years old na ang aktor samantalang 27 years old pa lang si Charlie.


Hinding-hindi raw magbabago ang opinyon niya tungkol kay Carlo na isa itong walking red flag.


'Kalokah ang naturang netizen. Ex-GF ba siya ni Carlo para manghusga nang ganu'n sa aktor?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page