top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas mabigat na parusa sa online scammers

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2022
1 min read

@Editorial | July 23, 2022



Sa kabila ng pagbubukas ng mga mall at iba pang pamilihan, kapansin-pansing mas dumami pa ang mga tumatangkilik sa online shopping.


Tila nagiging mas komportable ang marami sa pagbili online dahil sa nakakatipid na rin sa oras at iwas-trapik pa.


Ayon sa isang pag-aaral, mayroong 79 porsyento na mga magulang ang nagsabing mas gusto nila ang online shopping. Habang pito sa 10 shoppers ang nakadiskubre at bumili na rin sa mga social media platforms.


Tumaas din ang bilang ng mga Pinoy na tumangkilik sa mga online sales kumpara noong bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.


‘Yun nga lang, hindi pa rin nawawala ang mga scammers o manloloko online. At parehong seller at buyer ang nabibiktima.


Bukod sa order na bayad na pero hindi naman idineliber o nagpa-reserve ng produkto pero hindi naman kinuha, modus na rin ang paggamit sa identity ng online shopper para makapanloko pa ng iba.


Kaya ang panawagan ngayon sa kinauukulan ay mas paigitingin ang pagtugis sa mga online scammers. Kailangan ding may masampolan nang matindi para hindi na pamarisan.


Ganundin ang apela sa mismong social media platforms kung saan nagaganap ang transaksyon.


Sana ay magkaroon din sila ng responsibilidad kung paano mapipigilan at matutukoy ang mga manloloko online.


Ang paalala naman sa bawat seller at buyer, maging maingat at kung sakaling mabiktima, agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. Huwag sana nating panghinayangan ang oras at effort na makapagsumbong at makipagkooperasyon hanggang sa masukol at mapanagot ang mga pasaway online, plis lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page