top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas mabigat na parusa sa nagbebenta ng pekeng gamot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

@Editorial | January 13, 2022



Maraming buhay at kalusugan ang nailigtas nang masamsam ng mga awtoridad ang P30 milyong halaga ng mga pekeng gamot.


Kabilang sa mga nakumpiska ay Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR at MX3.


Nadiskubre ang mga pekeng gamot sa magkahiwalay na bodega sa Highland St., Marcelo Green Village at Pearl St., Severina Subd., kapwa sa Barangay Marcelo sa Parañaque City.


Naaresto ang Pakistani national na si Adel Rajput, residente ng Caloocan City.


Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga pekeng gamot sa mga naturang bodega at ang mga ito ay ipagbibili na.


Noong Nobyembre 24, isang bodega sa Pasig City ang sinalakay kung saan nasamsam din ang mga pekeng gamot tulad ng Alaxan, Tuseran Forte, Propan at Diatabs na nagkakahalaga naman ng P50 milyon.


Pandemya na nga, may mga gumagawa pa ng kalokohan na nakadaragdag-problema.


Dapat lang na gumawa ng paraan ang gobyerno para matigil ang ganitong kalakaran.


Sa tuwing may krisis, kalamidad o ganitong pandemya, palagi na lang ginagamit ng mga pasaway ang sitwasyon para makapanlamang ng kapwa, para kumita.


Mas mabigat na parusa na ang kailangan at hindi ‘yung huhulihin, ikukulong ngayon, sa mga susunod na araw, pakakawalan din naman.


Malamang ay pinagtatawanan na lang ng mga kriminal at ang ating sistema. Panahon na para iparamdam sa kanila na may batas at hindi na sila puwedeng makaulit o tularan ng sinuman


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page