top of page
Search
  • BULGAR

Mas batang bf, makakatuluyan kahit ‘di ka-compatible

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 17, 2022


Dear Maestro,


Mayroon akong boyfriend, pero mas bata siya sa akin ng anim na taon. Siya na ba ang makakatuluyan ko at compatible ba kami? Gayundin, kailan ako makakapag-asawa at ako ba ay makapangingibang-bansa? June 2, 1988 ang birthday ko at November 3, 1993 naman ang birthday ng boyfriend ko.


Umaasa,

Jane ng San Nicolas, San Simon, Pampanga



Dear Jane,


Hindi mo gaanong ka-compatible ang boyfriend mo dahil ang zodiac sign na Gemini at Scorpio ay hindi tugma sa isa’t isa. Gayundin, sa pagsusuring Numerology, ang birth date mong 2 at 3 naman siya ay hindi rin gaanong suweto sa isa’t isa.


Kaya lang, ang malaki nating problema, sa edad mong 33 ay pang-asawa ka na.


Gayunman, isipin na lang nating baka hindi umiiral sa iyong buhay ang zodiac sign mong Gemini o ang birth date mong 2, upang kahit papaano ay magtugma kayo ng boyfriend mo.


Minsan kasi, kahit ito ang zodiac sign ng isang indibidwal na bihira lang nating ipaliwanag dito, at kahit ito ang birth date niya, minsan, hindi ‘yun ang umiiral sa kanyang pagkatao. Ito ay dahil may hidden number, hidden zodiac sign o hidden personality ang isang tao na mahirap basahin, na umiiral din pala sa kanyang karanasan.


Pero madali lang nating mababasa ito dahil ang boyfriend mo ay may birth date na 3, sa destiny number na 9 (dahil 11+3+1993=2007/ 20+07=27/ 2+7=9), sa zodiac sign na Scorpio, ang dapat na umiral sa pagkatao mo, Jane, ay ang numerong nasa series of 3-6-9.


Ano ang ibig sabihin nito? Kailangang tumugma ang pagkatao mo sa pagkatao ng boyfriend mo upang kayo ay magkatuluyan. Sa ganitong paraan, halimbawa, mahilig ka bang magsuot o gumamit ng kulay na pula, asul at violet? Kung oo, ito ang magpapatunay na maaaring tugma pa rin kayo ng boyfriend mo. Dahil ang babaeng mahilig magsuot ng nasabing mga kulay ang posible niyang makatuluyan.


Sa kabilang banda, puwede ring reverse. Puwede nating isiping baka hindi naman ang numerong 3 o 9 at zodiac sign na Scorpio ang umiiral sa kapalaran boyfriend mo dahil baka ang hidden number, hidden zodiac sign at hidden personality niya ang siya namang katugma ng zodiac sign mong Gemini, sa birth date mong 2 at sa destiny number mong 7 (naging 7 ang destiny number mo dahil 6+2+1988=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7).


Para malaman natin ito, pansinin mo naman ang isinusuot at ginagamit na kulay ng boyfriend mo, maaaring madalas siyang magsuot ng puti, berde o dilaw. Kung ganu’n, maaaring may pagka-Gemini siya at may pagka-dos (2) o siete (7) ang personality mo. Kung oo, tulad ng nasabi na sa itaas, compatible pa rin kayo.


Sa madaling salita, pag-aralan mo ang iyong sarili. Ang unang hakbang ay sa paggamit ng kulay at pag-aralan mo ang boyfriend mo sa paggamit niya rin ng kulay. Sa ganu’ng paraan, maaring compatible kayo ng boyfriend mo, pero hindi mo ito n


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa kumbinasyon ng iyong Travel Calendar, sa taong 2023 hanggang 2024 at sa edad mong 35 pataas, maaaring makapangibang-bansa ka o makapag-asawa, na magdudulot sa iyo ng masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page